Iminungkahi ni Vice President Leni Robredo sa local government units (LGU) na isagawa ang pagpaparehistro sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination program sa mga bahay-bahay ng mga mamamayan.
Ayon kay Robredo, kailangan hindi lamang sa online ginagawa ang pag-register sa vaccination program.
Dagdag ni Robredo, maraming Pilipino ang hindi kaya magregister online at ang ilan ay walang sapat na internet.
Sinabi pa ni Robredo na mahalaga na magbahay-bahay upang mas mahikayat ang mga tao na magpabakuna kontra COVID-19.
Samantala, base sa inilabas na datos ng Department of Health and National Task Force Against COVID-19, nasa mahigit 1-milyon katao na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna at nasa 100,000 indibidwal ang nakatanggap ng parehong doses mula nang magsimula ang rollout noong ika-1 ng Marso. —sa panulat ni Rashid Locsin