Bibigyang-pagkilala ng gobyerno ang mga lokal na pamahalaan na nagsumikap upang mahikayat ang kanilang mga residente na magpabakuna at kumuha ng COVID-19 booster shots.
Nabatid na ang parangal ay bahagi ng memorandum circular na pinirmahan ng Department of Health (DOH) at tatawaging ‘Pinaslakas LGU champions’
Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr., na ang mga LGU ay susuriin batay sa mga pamantayan.
Kabilang dito ang accomplishment report sa bilang ng mga nabakunahang senior citizens, maagang pagsusumite ng datos sa vaccine administration system line list, pagtatayo ng vaccination site, at pakikipag-ugnayan o partnership sa stakeholders at pribadong sektor.
Binigyang-diin naman ni abalos na kasama sa assessment ang lahat ng lungsod at bayan sa bansa gayundin ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).