Aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakararamdam na ng pagod ang mga tagapagpatupad ng batas.
Ito’y ayon kay DILG officer – in – charge Usec. Bernardo Florece Jr. kasunod ng isang taong pagsasailalim sa lockdown ng maraming lugar sa bansa dahil sa COVID-19.
Dahil dito, sinabi ni Florece na dapat palakasin pa ng mga lokal na pamahalaan ang ipinatutupad nilang quarantine restrictions sa kani-kanilang nasasakupan.
Ito ang dahilan ayon sa opisyal kaya’t kinakailangang pag-isahin na lamang ang ipinatutupad na quarantine measures upang hindi na magdulot ng kalituhan sa publiko.