Inaasahang magsisimula nang dumating sa Biyernes, Nobyembre 10, ang mga lider ng sampung bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
Kaugnay ito sa idaraos ng ASEAN Summit mula Nobyembre 11 hanggang 14.
Inaasahan din ang pagdating sa bansa at pakikiisa sa Asean Summit ng dialogue partners na kinabibilangan nina US President Donald Trump, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, Chinese Premiere Xi Jin Ping, South Korean President Moon Jae-in at Canadian Prime Minister Justin Trudeau.
Magugunitang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na makasaysayan ang summit ngayon dahil nasabay ito sa 50th Year Golden Anniversary ng ASEAN sa pagiging chairman ng Pilipinas o host country.
Bukod pa sa ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakarating sa bansa si US President Donald Trump.