Tinutukan ng buong mundo ang makasaysayang pagbisita ni North Korean Leader Kim Jong Un sa South Korea.
Ito ay para plantsahin ang mga huling detalye ng nuclear deal na sinasabing magiging daan para itigil na ng pyongyang ang paggawa nila ng armas nukleyar.
Alas-8:30 kaninang umaga, oras sa Pilipinas nang magtagpo at magkamayan sina Kim at South Korean President Moon Jae-In sa demilitarized zone na nasa border ng dalawang bansa.
Engrande ang ginawang pagsalubong ni Moon sa North Korean leader na ginawaran din ng military honor.
Si Kim ang kauna-unahang supreme leader ng NoKor na bumisita sa SoKor matapos ang pagwawakas ng Korean War noong 1953.
(Screengrab Photo from Twitter)