Umapela si NCRPO chief Police Brig. General Debold Sinas sa mga pari, madre, at mga taong simbahan na sumama at tapusin ang buong Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.
Ayon kay Sinas, layunin din nitong maiwasan ang kaguluhan sa kasagsagan ng Traslacion.
Dagdag ni Sinas, nararapat lamang na may makitang lider ng simbahan sa prusisyon lalu na’t isa itong religious activity.
Kasabay nito, hinimok din ni Sinas ang mga sasamang taong simbahan na pangunahan ang panalangin para mapanatili ang pagiging sagrado ng prusisyon.
Samantala, aminado ang NCRPO na malaking hamon sa kanila ang paglalatag ng seguridad para sa Traslacion ng Itim na Nazareno.
Sinabi ni Sinas, tinatayang nasa 10,000 mga tauhan ng NCRPO ang ipakakalat para matiyak na mapayapa ang Traslacion gayundin ang kaligtasan ng mga makikibahagi dito.