Nangako ang mga lider sa iba’t ibang panig ng mundo na tatapusin nito ang matinding kahirapan sa loob ng 15 taon.
Ayon sa mga lider, ito’y pagtalima na rin sa pandaigdigang target ng United Nations o U.N. kung saan popondohan ito ng trilyong dolyares.
Sa UN General Assembly, pinuri naman ni Pope Francis ang naturang hakbang sa pagsasabing ito’y mahalagang senyales ng pag-asa.
Nanawagan din ang santo papa sa mga lider na tuparin ang pangakong ito hanggang sa taong 2030.
By: Jelbert Perdez