Target ng pambansang pulisya na bumili ng tinatayang 12,400 body cameras na may kakahayang mag-live streaming bago ang buwan ng Hunyo.
Ito’y ayon kay C/Insp. Angel Beros, pinuno ng binuong technical working group ng PNP sa ginawang suppliers meeting kahapon sa Kampo Crame.
Mula sa 334 na bilyong Piso pondo, kailangang makapagbigay ang suplayer ng 12,476 body cameras; 175 body camera live streaming systems; 1,941 na computer sets at 2,103 docking o charging stations.
Makatatanggap aniya ng body cameras ang lahat ng himpilan ng pulisya pati na ang iba’t ibang unit o grupo ng PNP kabilang na ang CIDG at HPG na may tig 276 na mga body cameras.
Dalawang taong warranty din ang hinihingi ng PNP at trainer sa paggamit ng body cameras gayundin ang 24/7 service assistance sa bawat rehiyon.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jonathan Andal
Posted by: Robert Eugenio