Nilusob ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration ang isang bar sa Pasay City matapos malamang nagbebenta ang 16 na Vietnamese ng lobo na naglalaman ng nitrous oxide.
Natagpuan sa bar area ang mga gamit na lobo kung saan naglalaman ng volatile at delikadong nitrous oxide.
Ang nitrous oxide ay isang mapanganib na nagbibigay ng panandaliang saya at maaaring mauwi sa pagkamatay ng isang taong sisinghot nito.
Dahil dito, kinumpiska ng nbi ang mga tangke ng nitrous oxide at mga lobo
Kasalukuyang mahaharap sa kaso ang may-ari ng establishment, manager at mga nagbebenta.
PHOTO COURTESY: NBI AOTCD