Pinaalalahanan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr ang lahat ng mga gobernador, alkalde at iba pang local chief executives na maigting na bantayan ang bagyong Egay.
Gayondin ang maigting na pagpapatupad ng disaster preparedness protocols.
Ayon kay Abalos bahagi ng responsibilidad ng mga lokal na opisyal ang pagpupulong ng mga lokal na konseho sa loob ng 24 na oras upang makuha ang pinakabagong lagay ng panahon.
Bukod pa dito paalala pa ng kalihim sa mga lokal na opisyal na paalalahanan ang mga residente nito na iwasan ang mga mapapanganib na lugar, pagbyahe sa karagatan, pangingisda, swimming at iba.