Dumami pa ang mga turista na dumadagsa sa Albay sa gitna ng pag – alburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, nais masaksihan ng mga bumibisita sa nasabing probinsya ang aktwal na paglalabas ng ‘lava’ ng Bulkang Mayon.
Kasabay nito , sinabi ni Alegre na nakikipag ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan para makuha ang eksaktong bilang ng mga turista.
Nagpaalala naman Alegre sa mga bumibisita sa lalawigan na tumalima sa mga ipinatutupad ng mga otoridad at iwasang pumasok sa 6 – kilometer danger zone.