Ikinalugod ng mga magsasaka sa Tarlac ang mataas na farm gate price ng lokal na sibuyas ngayong nagsimula na ang anihan.
Ayon kay Department of Agriculture deputy Spokesperson Rex Estoperez, paldo-paldo ang mga magsasaka ngayon dahil sa kawalan ng kakumpitensya na mga imported.
Inamin din sa DWIZ ni mang Gerry, isa sa mga onion farmer sa Tarlac, na ngayon lamang sila nakaranas ng ganitong kalaking kita.
Kung noong 2021 anya ay P400,000 lamang ang kanilang kinita, inaasahan nilang ma-do-doble o triple ito ngayong anihan.
Samantala, pinayuhan naman ni Estoperez ang mga consumer, lalo sa Metro Manila, na huwag muna bumili ng kada kilo ng sibuyas kung nagtitipid.