Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. na kailangang masabayan ng Pilipinas ang makabagong mundo na may highly technical system para sa pagsusulong ng global economy.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang insyatibang ito ay hindi lamang dahil kailangan makipagsabayan sa iba’t ibang bansa, kundi dahil kailangan ding magamit ang pinakamagagandang teknolohiya upang maging mas maganda ang serbisyong ibinibigay sa mga tao.
Dagdag pa ng Pangulo, makatutulong ito para maging mas mabilis, mas maginhawa, at mas accountable lahat ng kanilang mga ginagawa para sa taong-bayan.
Ang mga bansa aniya na nakapag-develop nang mabilis at nai-adopt ang mga teknolohiyang ito ay nagiging matagumpay.
Habang ang iba na hindi nagawa ang paggamit ng mga bagong teknolohiya upang pagandahin ang serbisyo para sa publiko, ay ang mga bansang napag-iiwanan. – Sa panulat ni John Riz Calata