Umapela ng suporta si Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento.
Ito’y para masimulan na ang pagbabakuna sa mga mag-aaral ng Dengvaxia o gamot na pangontra sa sakit na dengue.
Inihayag ito ni Sarmiento kasabay ng isasagawang libreng pagbabakuna sa mga estudyanteng nasa Grade 4 na hindi bababa sa 9 na taong gulang
Magmumula ang mga nasabing mag-aaral sa Regions 3, 4-a at National Capital Region o Metro Manila.
Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na makagagamit ng bakuna laban sa apat na strain ng dengue.
By: Jaymark Dagala