Inirekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagbibigay ng tax incentive sa mga property owner na magpapa-convert ng kanilang mga bakanteng lote bilang pay parking area.
Layunin nito na mabawasan ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa mga kalsada.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, maaaring bigyan ng real estate tax exemption ang mga lot owner upang mahikayat ang mga ito na gamitin ang kanilang mga nakatenggang lote bilang parking space.
Based sa 2015 records ng land transportation office, nasa 8.7 million ang rehistradong sasakyan sa bansa kabilang na ang 2.5 million sa Metro Manila subalit karamihan sa mga car owner ay walang garahe.
Samantala, mahigit 5000 sasakyan na ang hinatak ng interagency council on traffic na kinabibilangan ng MMDA bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra illegal parking.
By: Drew Nacino