Hindi mahaharap sa anumang parusa o sanction ang mga miyembro ng Liberal Party sa Kongreso na boboto pabor sa death penalty bill.
Ito ang tiniyak ni Vice President Leni Robredo kasunod ng pag-usad ng panukalang batas na naglalayong buhayin ang parusang kamatayan.
Matatandaang naglabas ng statement ang LP kung saan tinututulan nila ang muling pagbuhay sa paturang bitay dahil mga mahihirap at mahihina lang umano ang tatamaan nito.
By: Jelbert Perdez