Nakatakda nang ihatid ng Philippine Navy ang tinatayang nasa 500 locally stranded individuals (LSI) sa bahagi ng Visayas.
Gagamitin ng Navy ang BRP Davao Del Sur na dadaong sa iba’t ibang pantalan sa bahagi ng Visayas kung saan duon bababa ang mga LSIs mula Maynila.
Nabatid na ilan sa mga ito ang ilang buwang nanatili sa Metro Manila at dito na inabutan ng lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.
Kasunod nito, tiniyak ng Navy na susundin pa rin nila ang minimum health standards bago bumiyahe tulad na rin ng travel authority, medical certificate na nagpapatunay na negatibo sa COVID-19 ang pasahero.
Maliban sa mga lsi’s maghahatid din ang Navy ng mga medical supplies at personal protective equipments (PPEs) sa Visayas upang magamit sa patuloy na paglaban sa COVID-19.