Nasa 12,000 katao ang pinigilang makalabas ng Cebu City.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, ito ay mga locally stranded individuals (LSI) na inabutan ng pagbabalik sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Cebu City dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nananatili aniya sa kanilang mga kamag-anak at boarding houses ang mga LSI’s at papayagan lamang makaalis ng Cebu City sa sandaling maibaba ang estado ng quarantine sa syudad.
Una rito, ini-anunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili sa ECQ ang Cebu City hanggang sa July 16.