Hindi nagutom ang mga Locally Stranded Individuals (LSI)’s na naghihintay sa labas ng NAIA para sa kanilang biyahe pabalik sa kani-kanilang mga lalawigan.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano sanib puwersa sila ng national government sa pagbibigay ng ayuda sa mga naturang lsi’s.
Maging ang basura aniya ng mga naturang LSI’s ay pinahahakot nila.
Kasabay nito umapela si Rubiano sa airline companies na huwag nang papuntahin ng NAIA ang mga walang ticket dahil sa kakulangan ng flight.
Ilang LSI’s na naghihintay sa NAIA terminal 3 ay nailipat na sa Villamor Airbase Elementary School.