Inaasahang dadaong na sa Port San Pedro sa Iloilo City ngayong araw ang BRP Davao Del Sur ng Philippine Navy sakay ang mga locally stranded individual (LSI)’s mula Metro Manila.
Ito’y makaraan silang maipit sa ipinatupad na lockdown bunsod ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig lalawigan nito.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt/Cdr. Ma. Christina Roxas, 402 LSI’s ang kanilang inihatid sa Iloilo mula pier 13 sa lungsod ng Maynila.
Kasama ng mga ito ang tatlong repatriates mula India at Sri Lanka gayundin ang mga donasyong personal protective equipments (PPE)’s at iba pang medical supplies para sa Cebu at Iloilo.