Nadagdagan na naman ang bilang ng mga dalampasigan o coastal water sa bansa na naapektuhan ng red tide toxin.
Batay sa pinakahuling monitoring ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, apektado na ngayon ng red tide toxin ang Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental at mga coastal waters ng Santa Maria sa Davao Occidental.
Dahil dito, pinaalalahanan ng BFAR at local government units ang publiko na iwasan muna ang paghango, pagbenta at pagkain ng mga lamang dagat na nakukuha sa nabanggit na karagatan.
Maliban dito, hindi pa rin naaalis ang kontaminasyon ng red tide sa iba pang coastal waters kabilang ang San Pedro Bay sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao Del Sur at coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.
Ayon sa BFAR, may katagalan na ring panahon na nagiging positibo sa paralytic shellfish poison na higit sa regulatory limit ang mga karagatan.