Pinangangambahan ang pagdami pa ng mga lugar na apektado ng tagtuyot lalo na sa bahagi ng Mindanao.
Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang Zamboanga City na sinundan ng Zamboanga Sibugay at Pagadian City.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, posibleng umabot sa dalawampu’t dalawang (22) lugar ang makaranas ng matinding tagtuyot hanggang sa katapusan ng Abril.
Samantala, maaari rin umanong makaranas ng bahagyang tagtuyot o dry spell ang mahigit pa sa apatnapung (40) lugar.
Naalarma na rin ang Zamboanga Sibugay sa kalagayan ng kanilang mga magsasaka sa lalawigan.
Kasunod ito pagsasailalim sa lalawigan sa state of calamity dahil sa matinding tagtuyot.
Ayon kay Governor Wilter Palma, bagama’t may nakalaang dalawampung (20) milyong pisong calamity fund para sa cash for work para sa mga apektadong magsasaka, posibleng tumagal lang ng dalawang linggo ang pondo.
Sinabi ni Palma na labing apat na sa labing anim na bayan sa syudad ang apektado ng matinding tagtuyot.
—-