Magpapatupad ng new normal o General Community Quarantine (GCQ) ang pamahalaan sa mga lalawigan na hindi sakop ng National Capital Region, Region 3 at Region 4-A na nananatili sa enhanced community quarantine (ECQ).
Sa anunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte na binasa ni Presidential Spokesman Harry Roque, moderate ang estado ng Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Davao Oriental, Davao Del Sur, Sultan Kudarat at Lanao Del Sur kaya’t general community quarantine ang iiral sa mga ito.
Ang iba pang lugar na nasa general community quarantine subalit may mababa pa ang COVID infection rate ay ang sumusunod Apayao, Mountain Province, Ifugao, Kalinga, Ilocos Sur, Batanes, Quirino, Sorsogon, Masbate, Guimaras, Bohol, Biliran, Southern Leyte, Zamboanga Del Norte, Bukidnon, Agusan Del Sur, Surigao Del Sur, Basilan, Sulu, Eastern Samar, Davao Occidental, Dinagat Island, Surigao Del Norte at Sarangani Province.
Samantala, sinabi ni Roque na may mga lugar na na nasa moderate pero nasa orange category.
Ibig sabihin aniya ay kailangan pang i-evaluate kung ano ang mangyayari sa kanila pagkatapos ng April 30 kung ilalagay sila sa general community quarantine o mananatili sa ECQ.
Ito ay ang mga lalawigan ng Abra, Ilocos Norte, La Union, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Marinduque, Camarines Sur, Aklan, Capiz, Samar, Western Samar, Zamboanga Del Sur, Lanao Del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, North At South Cotabato at Maguindanao.
Sa ilalim ng general comunity quarantine, papayagan na ang pagpasok sa trabaho subalit may mga restrictions pa rin, papayagan na ang operasyon ng transportasyon subalit babawasan ang kapasidad nito, at kelangang magpatupad ng curfew ang LGU sa mga hindi manggagawa.
Ini anunsyo rin ni Roque na posibleng mabawasan ang cash subsidy ng mga nasa ilalim ng GCQ at ibuhos ang pondo sa mga mamamayan ng mag lugar na nananatili sa ECQ.