Muli na namang umakyat ang bilang ng mga lugar sa bansa na nakapailalim sa granular lockdown bunsod ng unti-unting pagdami ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), aabot sa 23 lugar sa bansa ang nasa ilalim ng granular lockdown mula sa 16 na barangay.
Partikular sa mga lugar na isinailalim sa granular lockdown ay ang National Capital Region (NCR), MIMAROPA at Cordillera.
Mula sa nasabing bilang, 28 sa mga ito ay mga kabahayan na binubuo ng 73 indibiduwal na pinagbabawalan munang lumabas ng bahay para maiwasang kumalat ang virus.
Muli namang nanawagan ang PNP sa mga residenteng nakapailalim sa granular lockdown na huwag maging pasaway, sumunod sa health protocols at ugaliing maging malinis sa katawan at kapaligiran.