Muling tumaas ang bilang ng mga lugar sa bansa na nakapailalim sa granular lockdown dahil sa unti-unting pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Sa datos ng Philippine National Police (PNP), aabot na sa 23 lugar sa bansa ang nasa ilalim ng granular lockdown mula sa 16 na barangay.
Partikular sa mga lugar na isinailalim sa granular lockdown ay ang National Capital Region (NCR), MIMAROPA at Cordillera.
Sa nasabing bilang, 28 sa mga ito ay mga kabahayan na binubuo ng 73 indibiduwal na pinagbabawalan munang lumabas ng bahay upang hindi kumalat ang virus. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)