Labindalawang (12) lugar sa Region 8 ang isinailalim na sa state of calamity matapos na salantain ng bagyong Urduja.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, natanggap na nila ang resolusyon ng sangguniang bayan ng Ormoc City, Tacloban City, bayan ng Sta. Fe, Barugo at Tanauan sa Leyte, Biliran, Can-avid at Llorente sa Eastern Samar, Zumarraca sa Samar.
Gayundin ang mga lalawigan ng Eastern Samar, Northern Samar at Samar.
Ayon kay Marasigan, nasa pitong daan at limang (705) mga pamilya pa rin ang nananatili sa tatlumpu’t isang (31) evacuation centers sa Region 5 at sa Biliran.
Aabot naman sa mahigit labing dalawang libong (12,000) mga kabahayan ang nasira sa Regions 5, 8 at Caraga.
Habang mahigit isang bilyon na ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.
Samantala, apat na libo’t tatlong daang (4,300) pamilya naman ang inilikas sa Regions 10, 11 at Caraga dahil naman sa bagyong Vinta.