Ipa-prayoridad ng pamahalaan ang mga lugar na may mababang vaccination rates sa second round ng National Vaccination Drive kontra COVID-19 na magsisimula ngayong araw.
Inihayag ni Presidential Adviser for COVID-19 Response Vince Dizon na bibisitahin nila ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Zambales at Quezon ngayong araw upang hikayatin ang mas maraming residente na magpabakuna.
Inilipat ang ikalawang bugso ng “Bayanihan, Bakunahan”, sa Visayas, Mindanao, MIMAROPA at Bicol Region sa December 20 hanggang 22 dahil sa banta ng bagyong Odette.
Tuloy naman ang vaccination drive sa Northern Luzon, Central Luzon at CALABARZON, kasama ang National Capital Region hanggang Biyernes.
Samantala, siniguro rin ni Dizon na sapat ang supply ng hiringgilya sa bansa at iba pang supplies.