Inilabas na ng pamunuan ng DITO Telecommunity Corporation ang listahan ng mga lugar sa bansa na unang magkakaroon ng serbisyo nito.
Sa abiso ng DITO telco, kabilang sa mga lugar na unang makagagamit ng kanilang serbisyo sa ika-8 ng Marso ay ang mga sumusunod:
Sa Metro Cebu:
Carcar, Cebu City, Consolacion, Danao, Liloan, Mandaue, Minglanilla, Naga, San Fernando, at Talisay.
Habang ang mga sumusunod na mga lugar naman sa Metro Davao:
Panabo, Tagum, Carmen, Davao City, at Digos.
Paliwanag ng Chief Administrative Officer ng DITO na si Adel Tamano, may malalim na dahilan kung bakit napili nitong pasimulan ang kanilang commercial roll-out sa mga lugar sa Mindanao.
Bago kasi ani Tamano naging dito ang kanilang telco, nagsimula muna itong Mindanao Islamic telephone company na piniling serbisyuhan mga lugar sa Mindanao na kadalasa’y napag-iiwanan.