Hindi isasailalim sa lockdown ang mga lugar kung saan naitala ang kumpirmadong kaso ng local transmission ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas
Ayon kay Interior and Local Government secretary Eduardo Año, wala pa silang nakikitang dahilan para magpatupad ng lockdown dahil nasa Code Red sub level 1 alert pa lamang ang bansa.
Sinabi ni Año, sa halip ay paiigtingin aniya ng pamahalaan ang pagsasagawa ng contact tracing para agad na matunton ang lahat ng mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.
Inatasan na rin ni año ang mga Local Govenrment Units (LGU) na paganahin na ang kani-kanilang mga lctf o local COVID-19 task forces.
Ito aniya ang mangunguna sa pagdadala sa taong nakitaan ng sintomas sa mga pinakamalapit na referral facility ng Department of Health (DOH) para agad na masuri at masailalim sa quarantine.
Ipinag-utos na rin ni Año ang mahigpit na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng lahat ng local chief executives sa DOH.