Iniutos ni NCRPO Director, Police Major General Felipe Natividad sa kaniyang mga tauhan na suyurin o galugarin ang mga lugar na positibong nag-ooperate ng E-sabong sa National Capital Region (NCR).
Ito ay bilang direktiba sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang lahat ng operasyon ng online o electronic sabong.
Ayon kay Natividad, bago pa man ang kautusan ng pangulo ay ipinag-utos na ni PNP Chief, Police General Dionardo Carlos sa kanilang hanay na linisin ang anumang uri ng sugal sa bansa.
Dahil dito, nanawagan si Natividad sa publiko lalo na sa mga operator ng E-sabong na sundin nalang ang nais ng pangulo dahil ang mahuhuling lalabag sa naturang kautusan ay mahaharap sa patung-patong na reklamo.