Tumaas pa sa 372 ang mga lugar sa bansa na nakapailalim sa granular lockdown sa buong bansa.
Batay ito sa datos ng Philippine National Police o PNP mula sa 206 na lugar na naitala kahapon.
Nangunguna ang National Capital Region o NCR na may pinakamaraming lugar na naka-granular lockdown na may 103.
Sinundan naman ito ng mga rehiyon ng Cordillera, Ilocos, Cagayan, CALABARZON at MIMAROPA.
Mula sa nabanggit na bilang, aabot sa 1,308 indibidwal ang apektado ng granular lockdown Magkatuwang naman ang may 415 Pulis at 585 na mga Force Multipliers sa pagbabantay sa mga lockdown areas. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)