Tatanggalin na sa social amelioration fund ang mga residente ng mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang mga residente na lamang ng mga lugar na nananatili sa ECQ ang mabibigyan ng ayuda sa second tranche ng SAP.
Pero nilinaw ni Roque na ang mga tinanggal lang sa SAP ay yung mga nailagay sa GCQ noong Abril.
Gayunman, inianunsyo ni Roque na mula sa 18-M beneficiaries ng first tranche ay dinagdagan pa ito ng Pangulo ng 5-M beneficiaries.
Hindi lang 18 milyon ang mabibigyan ng SAP sa first tranche nadagdagan na ng 5 milyon pero dahil limitadong pondo lang ang binigay ng kongreso yung magbibigyan sa 2nd tranche ay yung lamang mga nananatili sa ECQ na dineklara nung pangalawang buwan ng ating Pangulo,” ani Roque.