Nadagdagan pa ang mga lugar sa bansa na nakasailalim sa granular lockdown.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula sa 116, umakyat na sa 170 ang mga lugar na naka-lockdown dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
94 na mga lugar dito ay mula sa National Capital Region (NCR), 57 sa Cagayan; 13 sa Ilocos; lima sa MIMAROPA; at isa mula sa Cordillera.
Apektado ng lockdown ang nasa 702 mga indibidwal.
Aabot sa 217 na pulis at 274 na force multipliers ang nakakalat sa mga lugar na naka-granular lockdown.