Maaari na ang pagsasagawa ng religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ).
Ito ay sa kondisyong hindi lalagpas sa 10 katao ang magtitipon at dadalo rito.
Batay sa guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa mga lugar na nasa GCQ, bilang mahigpit na pagsunod sa minimum health standards, hindi nila hinihimok ang pagsasagawa ng mga religious gatherings.
Gayunman, kung hindi anila maiiwasan, dapat ay mahigpit na masunod na hanggang 10 lamang ang mga dadalo sa anumang klase ng pagtitipon.
Samantala, sa mga lugar naman na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), mahigpit ang patakaran na hanggang limang tao lamang ang maaaring magsagawa ng pagtitipon.
Habang mahigpit namang ipinagbabawal ang anumang uri ng mass gatherings sa mga lugar na nananatili sa enhanced community quarantine (ECQ) tulad ng Cebu City at Mandaue City.