Pinalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang puwersa sa mga lugar na nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay Lt. General Guillermo Eleazar, Task Force COVID-19 Commander, inatasan sila ni PNP Chief General Archie Gamboa na ayudahan ang mga magbubukas na transportasyon.
Kailangan rin aniya ng dagdag na tauhan dahil mas marami nang tao ang pinapayagang makalabas dahil sa pagbubukas ng ilang business establishments.
Nananatili naman aniya ang protocols na ipinatutupad sa lahat ng checkpoints.
So, kailangan natin ng police visibility doon to check not only the observance of physical distancing and wearing of facemask but also to check kung merong unauthorized person dun. So, mag-augment tayo ng tropa dun pati na rin ang mismong transportation terminal ngayon, like MRT, LRT o mga bus terminal kung sakali man na kung merong ia-allow dyan, maglalagay tayo ng tropa dyan para tumulong doon sa mga internal security guards dyan on the implementation nitong mga basic guidelines,” ani Eleazar.