Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Batangas.
Sa harap ito ng matinding pinsalang tinamo ng Batangas City at bayan ng Tingloy mula sa bagyong Nina.
Nauna nang idineklara ang state of calamity sa bayan ng Tingloy at Batangas City.
Bukod sa dalawang lugar, napektuhan rin ng bagyo ang maraming residente ng coastal barangays sa una at ikalawang distrito ng lalawigan.
Napag-alaman kay Batangas Vice Governor Nas Ona, aabot sa 43 milyong piso ng calamity fund ang puwede nilang magamit para matulungan ang mga biktima ng bagyo.
5 areas in Oriental Mindoro
Isinailalim na rin sa state of calamity ang limang lugar sa Oriental Mindoro dahil sa bagyong Nina.
Kabilang sa mga ito ang Calapan City, mga bayan ng San Teodoro, Naujan, Baco at Pola.
Samantala , iniulat naman ng mga awtoridad na isa ang nasawi habang dalawa ang nawawala sa pagtama doon ng bagyong Nina.
Una rito , isinailalim na rin sa state of calamity ang Puerto Galera.
By Len Aguirre | Ralph Obina