Mahigpit na mino-monitor ng Palasyo ang mga lugar na hahagupitin ng Bagyong ‘Tisoy’.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinapayuhan ng Palasyo ang mga residente na maaapektuhan ng bagyo na maging alerto sa pamamagitan nang pag-alam ng lagay ng bagyo sa mga weather advisory, social media account ng pamahalaan at local government office maging sa local disaster and risk reduction management offices.
Naka blue alert status na aniya ang NDRRMC operation center habang nakastandby na rin ang iba’t ibang disaster related agencies.
Ipinabatid pa ni Panelo ang nakapreposition nang P2-billion standby fund ng DSWD.