Pinalilikas na ang mga tao sa mga lugar sa Camarines Sur na posibleng salantain ng mga flash flood at landslide.
Ito, bilang paghahanda sa inaasahang paglandfall ng severe tropical storm Nina sa Bicol Region.
Sa memorandum na inilabas ni Governor Miguel Luis Villafuerte, inatasan na ang mga alkalde at barangay captain, maging ang mga pinuno ng disaster risk reduction and management councils, na magsagawa na ng pre-emptive evacuation sa mga residente.
Partikular na pinalilikas ang mga nasa isang kilometrong layo lamang sa mga coastal area, lawa, at riverbank, at yung mga malapit sa mabababang lugar lalo na’t bantad sa landslide.
By: Avee Devierte