Patuloy na nakararanas ng pagbaha ang maraming lugar sa Isabela at Cagayan na inulan ng matindi kahapon dahil sa Bagyong ‘Tisoy’.
Nakararanas pa rin ng pag-ulan ang mga nasabing lalawigan subalit dulot naman ito ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Sa Barangay Centro 10, Tuguegarao City, nagsagawa ng rescue operations ang mga tauhan ng Task Force Lingkod Cagayan.
Kasunod ito ng tubig-baha na umabot sa dalawang palapag ng bahay ng mga residente.
Suspendido na ang klase sa at trabaho sa gobyerno at mga pribadong kumpanya sa Tuguegarao City.
Sa buong Cagayan Valley naman, wala na ring pasok sa lahat ng antas at nagpatupad na rin ng liquor ban.
Nagkaroon naman ng landslide sa bahagi ng Masisit at Assasi sa Baggao, Cagayan.