Pumalo na lamang sa 192 ang bilang ng mga lugar sa National Capital Region o NCR ang nakapailalim pa rin sa granular lockdown.
Batay sa datos ng Philippine National Police o PNP, mas mababa ito ng 41 kumpara sa naitalang 233 na mga lugar na nakapailalim sa granular lockdown kahapon.
Mula sa 192, sinabi ng PNP na 126 sa mga ito ay mga kabahayan, 29 ang residential buildings, 23 ang mga kalye habang 14 dito ay mga subdivision o village.
Ang mga ito ayon sa PNP ay pawang nagmula sa 152 na mga barangay sa buong NCR dahil sa patuloy na pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Nananatiling nakakakalat ang mga pulis katuwang ang iba pang force multipliers sa mga lockdown areas para tiyakin na nasusunod pa rin ang minimum health protocols.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)