Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na unti-unti nang nababawasan ang mga lugar sa Metro Manila na nakapailalim sa granular lockdown dahil sa COVID-19.
Batay sa datos ng PNP nasa 45 na lamang mula sa dating 78 ang mga lugar sa National Capital Region ang isinailalim sa granular lockdown.
Binubuo ito ng 32 kabahayan, 3 residential building, 3 kalye, 1 purok at 6 na subdibisyon mula sa 41 na barangay sa buong NCR.
26 sa mga ito ay sakop ng Manila Police District, 2 mula sa Southern Police District habang 13 rito ang sakop naman ng Quezon City Police District.
Sa kasalukuyan, binabantayan ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown ng 179 na pulis katuwang ang nasa 174 na force multupliers upang masigurong mahigpit pa ring naipatutupad ang minimum health protocols.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)