Nasa low risk na sa COVID- 19 ang lahat ng siyudad sa Metro Manila.
Ito’y ayon sa OCTA Research Group matapos ang kanilang isinasagawang risk assessment sa rehiyon.
Lahat ng lugar sa NCR ay mas mababa na sa 1 ang reproduction number kung saan karamihan sa LGUs sa NCR ay umaabot na lamang sa 0.5 hanggang 0.6.
Maliban dito, nasa low risk na rin ang hospital utilization rate sa Metro Manila gayundin ang Intensive Care Unit utilization rate ng karamihan ng mga LGU, maliban sa Muntinlupa, Pateros, Makati at San Juan. —sa panulat ni Hya Ludivico