Umaabot na lamang sa 45 ang bilang ng mga lugar sa Metro Manila na naka-granular lockdown mula sa dating 78.
Batay sa datos ng PNP, binubuo ito ng 32 kabahayan, tatlong residential building, tatlong kalye, isang purok at anim na subdibisyon mula sa 41 na barangay sa buong NCR.
26 sa mga ito ay sakop ng Manila Police District, dalawa mula sa Southern Police District habang 13 rito ang sakop naman ng Quezon City Police District.
Nasa 179 na pulis katuwang ang 174 na force multupliers ang nakadeploy sa mga naturang lugar upang masigurong mahigpit pa ring naipatutupad ang minimum health protocols. —sa ulat ni Jyamark Dagala (Patrol 9), sa panulat ni Hya Ludivico