Nalubog sa baha ang maraming lugar sa northern Mindanao dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Walong barangay ang naapektuhan sa bayan ng Kapai sa Lanao del Sur dahil sa pag-apaw ng Ramain river.
Ito ang dahilan ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council para ilikas ang mga residenteng malapit sa mga daluyan ng tubig.
Samantala, nakaranas naman ng brownout ang malaking bahagi ng Iligan City mula pa kagabi dahil din sa mga pag-ulan sa lugar.
By Jaymark Dagala