Nadagdagan pa ang mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa 14-day special concern lockdown simula kahapon, ika-15 ng Abril.
Kabilang dito ang bahagi ng Manunggal St. sa Marangay Tatalon, bahagi ng Villareal St. sa Barangay Gulod, isang lugar sa Umbel St. sa Barangay Roxas District, bahagi ng Old Paliguan Compound sa Barangay Bagbag.
Bukod pa ito sa isang lugar sa Benton St., Fairville Homes sa Barangay North Fairview, bahagi ng Gana Compound sa Barangay Unang Sigaw, bahagi ng K-6th St. sa Barangay East Kamias at bahagi ng Kasing Kasing St. sa Barangay East Kamias.
Nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas ang 39 na lugar sa ating lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at HINDI buong barangay. pic.twitter.com/CghljiuewL
— Quezon City Government (@QCGov) April 15, 2021
Nilinaw ng QC government na bahagi lamang ng isang barangay at hindi buong barangay ang isinasailalim sa lockdown matapos makapagtala ng 10 o higit pang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Tiniyak ng local government unit ang food packs para sa mga apektado ng lockdown.
Sa pinakahuling tala ng QC Health Department , nasa 9, 181 ang active cases sa lungsod habang mahigit 53 ,000 naman ang recoveries.