Isang barangay pa ang nadagdag sa ngayo’y 10 nang lugar sa Quezon City na nasa ilalim ng special concern lockdown.
Simula kagabi ay isinama na sa listahan ng special concern lockdown ang bahagi ng Jose Abad Santos Street sa Sitio 5 sa Barangay Sta. Lucia matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang siyam katao sa nasabing lugar.
Tinatayang 71 pamilya sa barangay ang apektado at kailangang isalang sa RT-PCR test.
Mula sa arawang average na 80 kaso ng COVID-19 noong isang taon, sumirit pa ang infection sa 150 kada araw ngayong buwan.