Umabot na sa mahigit 9,000 ang lumabag sa backriding policy ng pamahalaan sa nakalipas lamang na sampung araw.
Ayon kay Lt. General Guillermo Eleazar, hepe ng Joint Task Force Covid Shield, ang pinapayagan lamang na i-angkas sa motorsiklo ay asawa pero marami ang hindi sumusunod dito.
Pinuna ni Eleazar na hindi pa nga nila ipinatutupad ang paglalagay ng harang sa pagitan ng driver at angkas nito pero marami na ang nagpapalusot.