Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 86 na naaresto dahil sa paglabag sa pinaiiral na COMELEC gun ban para sa Halalan 2022.
Ayon sa PNP, nagmula ito sa kabuuang 18,978 checkpoints na inilatag ng mga awtoridad sa iba’t ibang panig ng bansa buhat nang magsimula ang election period.
Nagmula ang mga naaresto sa NCR, Bicol, Davao, Ilocos, Central Luzon, Central Visayas, Cordillera, Western Visayas, at CALABARZON.
Maliban sa mga baril, nakumpiska rin ng mga awtoridad ang ilang deadly weapon, replica ng baril at samu’t saring mga bala.