Pumalo sa halos 70,000 ang kabuuang bilang ng mga lumabag sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) ng pamahalaan.
Batay sa ipinalbas na datos ng Joint Task Group Covid shield simula Marso 17 hanggang 29, nasa 69,089 ang mga naitalang lumabag.
Halos 39,000 sa nabanggit na bilang ay mula sa Luzon kung saan mahigit 16,900 ang nagmula naman sa Metro Manila.
Habang ang nakapagtala naman ng mahigit tatlumpung libong violators ang ilang Lugar sa Visayas at Mindanao na nagpatupad din ng kani-kanilang ECQ.
Mahigit 17 naman ang naaresto, halos 4,000 ang pinagmulta at mahigit 48 naman ang sinita at pinagsabihan lamang muna ng mga awtoridad —ulat ni Jaymark Dagala (9)