Umaabot na sa 156,000 ang naitalang lumabag ng Joint Task Force Covid 19 Shield sa umiiral na mga quarantine protocols sa buong bansa
Ito’y mula Marso 17 hanggang Mayo 1 o 46 na araw na mula nang isailalim ang Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ) at iba pang panig ng Pilipinas.
Ayon kay Joint Task Force Covid 19 Shield Commander P/Ltg. Guillermo Eleazar, 26 na porsyento o katumbas ng 41,000, ang mga naaresto.
Habang 67 porsyento o nasa 104,000 ang binigyan lamang ng warning.
Samantala, nakapagtala naman ng pagbaba sa bilang ng mga lumalabag sa nakalipas na walong araw kasunod ng mas mahigpit na pagpapatupad ng ECQ.